Thursday, April 29, 2004

Day 2

ang bait naman. sobrang accomodating.
parang pwede ko na silang bigyan ng medalya o higit pa, sa sobrang pag-aasikaso samin.

Warm smile.. *twink*twink* haaaay.. nakakagaan ng loob. Nakakatuwa sila. Wish ko sana Lolo, Lola, Tatay, Kuya, ate, pinsan ko rin sila.
100 million points for making us feel at home. kahit may language barrier okay lang. Ngiti lang nila. Ayos na.

*na-mimiss ko si Mama.. Na-mimiss ko yung may lola..


*********
habal-habal.
masaya yung habal-habal. kasama ko si almira na nakaangkas sa motor.
ahahahha. At si manong.. We had a moment.

Destination: Krus Daku. (Big Cross)
as expected.
na-amaze na naman ako.. ang ganda ng view.
ang sarap siguro, if i was with a special someone there.
shweet-shweet!!

hiking pababa.
Shux. Tagaktak ang pawis ko.
todohang lakaran to. okay lang. it was a great experience.
and besides makakatulong un sa figure ko. hhihihihihi.

next: off to panglao!!!!
beach!!!!!
breath taking. un lang.

inuman nung gabi.
it was nice bein there with your closest friends.
talking about things. things that matters. things that dont.
hehehe. ang saya..

kami nila almira at donna.. nagstay until mga 3 ata..
la alng.. nakahiga lang sa sand..



Wednesday, April 28, 2004

Day 1

I cant believe it.
Im flying.

Or so, im in a flying aircraft.
I grasp Janis hand. HARD.
A mixture of excitement, fear, and disbelief engulfed me.
Hindi ako makapaniwala. Im defying gravity. Im conquering my fear of heights. And my fear of doing things on the first time. It̢۪s the fear of uncertainty, of not knowing what will happen next, of feeling emotions I am not familiar of..

Pwede ka pa lang ma-amaze sa isang bagay at sitwasyon ng sobra sobra.
Kakaiba yung pakiramdam na kahit papano hindi nakadepende ang mga paa mo sa lupang kinatayuan mo.

I cant take my eyes off the clouds. Ayoko, minsan lang to.
No I wont sleep.. ZZzzzZZzzzZzzzzZzz..
Haha, mga excited kse.. hndi nagsipagtulog.

Iba yung feeling habang kumakain ng rainbow bites, at umiinom ng zesto apple, habang masikip ang seatbelt mo, nakatingin sa mala-langit na scenery sa labas ng bintana ng eroplano, at habang payapang natutulog ang katabi mo na kanina lang ay mahigpit mong hinahawakan. iba tlga.. lalo na kung perstym.

It's true that most of the things we worry about, are not even worth worrying for.

I made it. buong-buo... at bingi.

Saturday, April 24, 2004

*Bakit ganon.. parang lahat ng bagay may kapalit..

Good points:
Bakasyon
Sa wakas.. wla na akong iintindihin.
Hndi nako ggising ng maaga.
Wala ng mga nakakalokong tests
In aj and crystal's words:
Hindi nako "mawiwindang".

Bohol
This is the one thing that im looking forward to
(since the cellphone issue)
ito ang pinapangapangarap kong paraiso.

Friends
Si Marian and Ava, they just make my life bearable. Everything seems to be wonderful kpag kasama ko sila.
Donna and Almira
Kahapon, na-meet nila c marian and ava.
They clicked.
Ang saya-saya ko..
There's nothing better than having your closest friends be friends with your other closest friends.
Tuwang-tuwa tlga ko nung gabing yon.
It brought me to a natural high. Bliss.

Bad points:
Im broke.
Wala ako, ni singkong duling.
Ang hirap nang hindi mo mabili yung mga gusto mo.
Yung mga pangangailangan mo.
Yung tipong bibili nalang ng chichirya jan sa kanto, dmo pa magawa.
Nanghihinayang kang umalis dahil sayang sa pamasahe.
Gustong-gusto mong tawagan at itxt ung mga taong malapit sayo, pero di mo magawa dahil for the nth time, na-cut ang line mo.

Graduate na cla almira, donna, at tina. LOA naman si racquel.
I'll miss them so much, just thinking about it, hurts.

I failed a major class..
Expsych. Hndi ko alam kung pano sasabihin sa parents ko.
Lalo na ngayon. Walang-wala kami.
At wala na rn akong mukhang maihaharap.
Maglilihim na nmn ako..

The cellphone issue
Once again..Umasa na nman ako..Naghangad masyado.. Nadisapoint. Napahiya.
Fuck.

Passing away of a friend.
Seeing a dear friend suffer.. grieve.
And not being able to do anything.


I failed a friend.
I hurt a friend.
Aie, of all people..
Nakalimutan ko sya.. hindi ko naisip ung mararamdaman nya..
Parang diko kayang humarap sa kanya at sabihing
"Pasensya na.. nagkakamali rn ako."
There's nothing worse than hurting someone you love.

Shame.

Letting my parents down.
Letting a friend down.
Letting myself down.

Feeling worthless.

Trying to be perfect. And not even getting close.

Crying.. and still feel worse.


********

SA BAWAT ARKO NG ISANG NGITI,
ISANG BASO NG LUHA..


Wednesday, April 21, 2004

It broke my heart.

Kung sakin mangyayari yon.. hindi ko alam ang gagawin ko.

Bakit ganon.. bakit kailangan pang mangyari sa mga tao ang ganon..
Lalo na kung hindi pa nila deserve yon.
Minsan naguguluhan ako sa mundo..
Sa Diyos..
Bakit Nya hinahayaang masaktan ung mga taong mahal nya..
Bakit Nya hinahayaang mapahamak ung mga taong wala namang ginagawang masama..

Jason does not deserve to be in that hospital.
Hindi nya deserve na ma-coma..
He got so many more things to do.. to prove.. to share.. to give.. to offer.
Bakit sya pa..

Sa totoo lang, I don't know him personally..
Pero a part of me, aches for Him.. For ava..
It's unfair.

Lahat daw ng bagay may rason..
Narealize ko, tama nga ung sinabi ng prof ko..
Na kapag sayo na ngyari.. No reason can ever suffice para mahimasmasan o gumaan ang hirap na madarama mo sa mga sitwasyon na ganito.
Kung ako nga nasasaktan para sa isang taong hindi ko nman kilala..
Papano pa kaya si ava..

Jason loves her. And she loves jason. At kung meron man akong love story na super kaiinggitan,
It's Jason and Ava's.
Kaya hindi ko tlga lubos maisip kung bakit kailangan pang mangyari ang ganito.. Bakit sa kanila pa..

Bakit kailangan pang may masaktan..
Bakit may pagdurusa..
Bakit ang hirap-hirap..

Sasabihin may rason.
Pero ang mga rason na yon.. ang hirap tanggapin..
At kahit mahirap.. Kahit hirap na hirap ka na..
Kailangan mo pa ring magpakatatag..
Kailangan mong tumayo.. at magpakatapang.
Kailangan mong tumanggap.
Dahil ganyan ang buhay.. May saya.. May lungkot..
May pagsubok.
pero sa bawat sakit nman na mararamdaman mo, may karamay ka..
you will never be alone.

so if you love someone...
Ipadama mo na mahal mo sila.
Ipadama mo na their presence made a big difference in your life.
Ipadama mo kung gaano ka kasaya na nakilala mo sila.
Ipadama mo kung gaano mo sila kamahal.
kung gaano sila kaimportante sa buhay mo.
Dahil Hindi mo alam,
Na sa isang rason lang,
Pwede silang mawala sayo..


***************

Ava, I love you. I'm always here.
Kahati mo ako sa lahat ng sakit..
You and Jason will always be included in my prayers
Pls, know na hindi ka nag-iisa.


Sunday, April 18, 2004

Unsent (mala-alanis morissette)

********

donna: happy birthday ulit dear. your presence made such a big difference in my life. you make me laugh. you make me smile. you made me ride on your car. you made me apreciate Old OPM songs. thanx for the gift of friendship. I love you.

almira: you were always there. you lift me up every time. it's always nice knowing that i really have a friend in you. ang sarap sarap mong i-hug! kahit hndi man masyadong memorable ung meeting natin.. i dont care. i consider every day (and nights) that we're together the greatest times of my life. I love you so.

jani: loka-loka ka!! kaya sobrang love kta! ayokong nasasaktan ka, kse hndi mo deserve yon. You're my partner in crime. You laugh when i laugh, and i laugh when you laugh. You tell me things, and i tell you things. You're my college bestfriend. you're such a wonderful person. and i wouldn't know where, what, and who'd id be without you.

dayon: since nakadikit na ang name mo, pagka sinabing "jani".. you're great. And you're fun. I like you. (bihira lang un, dahil hate ko mostly ang mga boyfriends ng friends ko). kaya dont you dare hurt my friend. Alam ko sa isang relationship, imposibleng walang masasaktan.. but pls.. Love her the best way. She deserves it. "Mahal ka ni jani.. Mahal ka ni jani." At oo na, maganda na ang hair mo, palit tayo!

Rakel: "if i have only seven (para swerte) friends left, id want one of them to be you." you're one of the swetest things that ever happened to me. you touch people's lives, at sobrang swerte ko, im one of them. thnx for the sincere care. sa lahat lahat. salamat nakilala kta. Mahal kta sobra.

Aie: nagtatampo ako sayo. pero mahal pa rn kta. miss ko na ung mga may sense, walang sense nating pinag-uusapan. hehe. im just a txt or call away.

Tina: salamat sa mga walanghumpay mong pag-alala sakin. hinding-hindi ko mapapantayan ang kabutihan na pinakita mo. salamat sa mga kwento, SEXY!! melovesya!

aj&crystal: woah!!! where d hell did you two come from!! hehehhe. walang katapusang tawanan pag kasama kayo. You make life such a beautiful experience. Bat ba ngayon lang namin kayo nakilala??? Salamat sa sweetness nyong dalawa. kulang ang isang buong araw pag wala kayo. ayon nga kay Casper: Can i keep you? :)

aj: you are an angel. you are simply bliss.

xtal: there's nothing better than seein you smile and hearing ur hearty laugh. ngiti mo palng ulam na!

nikka: thnx for the enouragement.. for always believeing in me. for pushing me to my limits. i love you. i miss you.

tabby: heeeheee. i can't help but to smile pag nakikita kta. ansarap-sarap mo dn kseng inisin. its just so nice seeing you around. salamat sayo.

Ivy: i miss you... sobra.. i just want you to know.. I'm the still the same Ola na nakilala mo. ako pa rin ung weirdong hayskul close friend mo. ako pa rin ang no.1 fan mo. Mahal na mahal kta, ivy. i miss you like i never missed anyone else.

dan: salamat sa lahat-lahat. At home ako sayo. You're family is like my family. and i want u to know that mine is yours too. hindi ko nakakalimutan ang lahat ng masasayang araw natin. and i hope we would still be the best of friends till we're old and grey. I love you dan!

medz: you're like the sister i never had. i miss you. i miss us. im always here.

will: haha.. you make me laugh. salamat sa comfort. sa kakulitan. gusto ko lagi kang masaya.. atsaka gumagwapo ka kapag masaya ka. hehe. alam ko masaya ka ngayon.. there's nothing in this world that id ever want than your happiness. kaya pls, wag kang mabubugnot.

Tj: im sorry. if i could change everything that has happened, i would. i miss you. ...so much.

Roy: kumag ka. you treat me like im always going to be there (though im always going to be). i hate you. i hate you so much it hurts.

kaye: my dear dear sis.. ako ang kakampi mo sa bahay. kaya dapat kakampi rn kta. salamat sa mga tawanan at advice. i love you like no one else.

ate grace: masaya ako pag kasama ka.. nakakatuwa ka. hehe. pero sana wag masyadong makontra. mahal na mahal kta.

Marian: I love you. I love you. I love you. I love you. I love you.

Ava: I love you. I love you. I love you. I love you. I love you.

Marian&Ava: parang nasa Heaven ako, pagka kasama ko kayong dalawa. pramis, never na tayong maghihiwalay. You have to break me into pieces before you do that. I thank God every day for giving me such great friends (even words cannot explain) like you. THANK YOU. THANK YOU. THANK YOU. if i could say it a million times i would.

Saturday, April 17, 2004

"happy happy happy burpday.
sayo ang inuman,
sayo ang pulutan.
happy happy happy burpday."


nyuck!! ang corny!! hehe

venue: donna's mansion
time: gabi ng lagim
date: april sikistin, tutawsanpor

ayos, padating namin mejo maaga pa.
andon na ang kanyang hayskul pwens.
binigay namin ung gips kay donna. natuwa sya! natuwa sya! (SIGH) hehe.. true blue sharonian tlga ang loka. at meron din syang earing na slippers kaya partner sa necklace na binigay ko. (good choice!)

naka 4 bottles ako na sanmig. bilang un. ayokong masobrahan.
sa isang kaha na nabili kong marlboro.. mga 3/4 cguro dun na-consume ko.
siyet. BISYO! BISYO! BISYO!!! BAAAAAAD!!!
minsanan lang naman. masarap lng tlgang magpakagago paminsan.
masarap ung feeling na hindi mo na iniisip ung iniisip ng iba.
ung feeling na ung gusto mong gawin, gagawin mo.
ung gusto mong sabihin, sasabihin mo.
masarap ung feeling na mabigat, pero magaan..
ung inaantok.. pero hyper..
ung tipsy.. ung masaya.. ung makulit..
ung nagsisimula ka nang mag-isip ng malalim..
ung nag-uumpisa ng gumulo at luminaw ang mga bagay..
ung tipong contradicting, pero swak.

haha, LABO!

********

parang nakapanood ako ng re-runs ng "Young Love, Sweet LOve"
telenovela ang dating.
scene:
dayon, strutting away from the party. papunta sa gate ng subdivision.
jani, calling after him. "DAYON.."
Dayon, not looking back. walking. fast.
Jani, now running after him, softly shouting (OO, pwede un). "DAYON!.."

ayos. pwede nakong maluha.
few minutes, they're back.
nahimasmasan na cguro..
nalaman ang rason.
WAPAK!
"could it beeeee anyyy haaaaaarder.." (in the tune of The Calling)

Follow your heart.
"Mahal ko si Jani.. Mahal ko si Jani."

inintindi ni jani si dayon.
inintindi ni dayon si jani.
cguro ganon tlga, kapag nagmamahal ka
lumalaki ang patience.
lumalawak ang understanding.
tumataas ang threshold.
kung anong dmo kayang gawin dati.. nakakaya mo.


nagpapakamartyr ba sila sa isat-isa?
ewan. sila lang ang makkasagot..
ang sakin,
if the one you love makes you a better person.
and if you make the one you love a better person as well.
then it will be worth the fight.

Saturday, April 10, 2004

mahal na araw.. nagpunta kami sa Laguna.. overnight.
Night swimming.. at konting inuman.
ive never felt intoxicated (quite) since.. well, i cant remember.
pero nung gabing tlgang yon.. sobrang hilo ako.. ang bigat ng ulo ko.. at ang bigat na ng ng mga mata. pero cge inom pa rin.

after non.. nag-swimming ulit. ayos pa lang pangtanggal ng amats un.

nakakita rn kmi ng fire flies. ang ganda.. ang ganda tlga.

kinabukasan, tumuloy kami sa Lian, Batanggas. Beach. Nagbalsa, at nagbangka.. Nagpa-araw.. at tnry an hndi magpa-araw.. nagpichur-pichur. Nagtawanan. Nagpabundat.

na-amaze ako, naisip ko ang galing at ang talino tlga ng Diyos. he was able to create all these beautiful things. The sky. The stars. The moon. The sound of the rustling of the leaves of the trees, and the blowing of the wind. Even the pool seemed magnificent. Yung inihaw na Liempo.. Yung apoy ng kandila (dahil nawalan ng kuryente).. Yung gin at mirinda ni Gp.. yung San Mig light.. Yung sasakyan na ginamit. Yung perang pinambayad. yung linaw ng dagat.. Yung white sand.. Yung digital cam ni Au at ni ate gingay.. Yung balsa.. Yung walang kamatayang Adobo.. Ung Coke, Sprite, at Royal. Yung ice cubes. Yung mamang bangkero.. Ung mga Laughtrip at kwentuhan. These beautiful people. These beautiful moments. It's like a simple heaven on earth.

at narealize ko.. i wouldn't be here, I wouldn't experience all that if it weren't for the Lord. Kung hndi sya nagpakahirap sa krus.. hindi ako nagddrama.. pero para sakin ito ang totoo: He is the reason for everything. The means and ends of every thing. hindi ko na kaialngan pang i-explain. Dahil Siya mismo ang eksplanasyon ng lahat ng bagay..

Wednesday, April 07, 2004

Mababaw lang ako.. madali akong matuwa sa mga maliliit na bagay.. eh ano pa kaya kung malalaki. Kaya tuwang-tuwa ako ngayon.. (ngayon lang, habang hndi pa bigayan ng course cards) dahil natapos ko na ang mga tests ko. Wala ng test sa expsych. Wla nang mgchcheck ng attendance ko tuwing 2:30, wala ng mga pipirmahang agreement na magsasabing hndi ako mangongopya. Wala ng "gets? gets?" na sa totoo lang ay hndi ko ma-gets. Wla na ring test sa cogpsych. Wala ng mga confidence judgements, at wla na ring "watsup pipol?" with matching Brazilian twang at hawi sa sides ng hair. At sa wakas wla na rin kaming makikitang 'umbok' sa harap ng klase.

Hindi pa tapos ang trabaho ko sa iba pang mga klase. Ang dami pa naming mga data-gatherings at analysis na dapat gawin. Pero masaya parin ako, dahil kahit papano, may natapos nako. Wish ko lang, pumasa ako.. Magpapainom tlga ko, pag naka-uno ako sa dlawang subject na un.

Masaya dn ako at nakasama ko c marian at ava.. wala lang, masaya lang tlga, kapag nakikita at nakakasama mo ung mga taong malapit sayo at importante sa buhay mo.

**************

ininterview ako ni aj para sa research nila tungkol sa "pagkakaroon ng crush". Shux, may naitulong ba ako dun? Feeling ko napakawalang kwenta nung mga pinagsasagot ko.
Naaawa ako kay Crystal, mukhang pagod na pagod na sya.. ang dami-dami nya kseng gnagawa. Tnry ko namang tumulong.. pero feeling ko wla pa rin akong nagawa.. haaay, nalulungkot na tuloy ako.

**************

before you do something, kailngang pag-isipan a hundred fold. Dahil lahat ng bagay na gagawin mo ay may consequences. Lahat ng mga bagay na pinagdedesisyunan mo ay may kasunod na responsibilidad.

**************

20 mins ago.. masaya ako.. pero parang ngayon.. na-ddepress na naman.. tumawag c jani.. meron na nman daw pinapagawa c Ms.Lapena.. report sa mga na-transcribe na interview sa metres. May presentation na nga at summary, iba pa ung report. At tama ba naming sabihin at ipagawa lahat un in such a short notice. Nakakaasar. Gusto ko pa nman sya dahil ang bait-bait nya. Pero parang nawawala ang amor ko sa kanya, dahil sobra sya kung magpagawa ng mga requirements. Sana naman nagbigay sya ng enough time para magawa nmin lahat ng pinapagawa niya. Nakakakagago na nga ung mga survey forms (na sobrang obsessive compulsive sa mga tipo ng participants)na kinailangan pang I-encode isa-isa, tapos dadagdagan nya pa nito. Naisip ko, ang sama nya wla man lang syang konsiderasyon.

*****************

kailangan kong makakuha ng tape recorder, bukas na bukas.

Monday, April 05, 2004

sabi nila makaka-move-on ka lang daw kapag may bago nang dumating sa buhay mo, at sya na ang maghihilom sa mga sugat na minsan nang hndi magamot.
sabi nila, makakaraos ka rin.. malalagpasan mo rin ang sakit..
at darating din ang araw na may sasagip sa yo.
darating din ang araw na may hahawak sa mga kamay mo, at sabay ninyong lalakbayin ang kurso na inihanda sa inyo ng buhay.
may mga panahon na masasaktan ka, may mga pagkakataon din na masasaktan mo sya.
dahil ganyan tlga ang buhay, hndi pwedeng walang masasaktan.
pero hndi lang naman puro sakit hndi ba?
kung iisipin nga, mas marami pa ngang masasayang ala-ala.

at sa bawat sakit, may kasunod na paghilom.

kung paano? sino? kelan? at kung saan?
hndi ko alam..
pero ang sigurado ko, lahat ng bagay may kahahantungan.



Friday, April 02, 2004

Awwww.. na-touch ako..

Busyng-busy ako sa paglalagay ng mudpack sa mukha ko.
At kada lalapit ako dun sa salamin kung san nandon si Sam at si Claudette, sisigaw sila nang sabay.. "ahhhh!!! Dun ka muna ate ola!!!!" edi syempre lalayo naman ako..

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~oo~o~

Lumapit si Sam,
"Ate ola, ate ola, basahin mo na."
She handed me an oslo paper, folded in half.
A green ribbon tied at the side.
Written in varied colors and playfully drawn:

The 3 sisters.
OLA

(with butterfly, dragonfly, heart and star shaped drawings)
cute!

I opend the hand-made card.
Sam wrote:

Dear Ate Ola,
Alam mo ikaw lang ang gusto ko sa mga Pinsan and alam mo yong Green Tag na nagsasabi na Friendship at 3 sister . para naman maalala mo kami ni Claudette.
P.S. I Love You.
Love, Sam


Hehe, mejo nalabuan ako dun sa sinulat nya, kaya tinanong ko..
"anong ibig sabihin nito (tnuro ko ung 'cute')? "
"Edi ikaw."
hehehe. tuwa naman ako don diba.. kahit mukhang binobola lng ako ng batang yon.
"eh itong 3 sisters?"
"yan, tayo yan ni Claudette, ako, at ikaw.. tapos yung green na to, para maalala mo yung friendship nating tatlo." She was grinning at me. Her eyes lit up. And I said,
"lika nga dito.." and I hugged her.

Haaaaaayy.. iba tlga.. ang saya..

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Na-meet ko na c dayon.. finally.

Ang KULET!! Ilang beses ka bang ipinanganak??? At marami rin syang baong kwento.. Kaya rin cguro okay syang kausap dahil hindi ka ma-bbored sa kanya. Pero ewan ko nalang, wala na cgurong mas kukulit pa sa kanya nung mga oras na yon. Hehe.
Marami rin pala syang opinyon sa maraming bagay.

Meron syang isang bagay na nasabi.. hindi ko na alam kung ano yung pinag-uusapan nila, pero that statement got me.
"..kung hindi lang kita mahal.."
and that's all I need to know para mapalagay ang loob ko, para sa kaibigan ko.
Hindi ko alam kung nasabi nya lang yun na parang hangin lang na nagdaan,
Pero dahil sa sinabi nya, ill trust his word for it.

"Truth resides where there is faith."

Thursday, April 01, 2004

hahahaha. Super laugh trip tlga ung game na un.
C jani ang nagpakilala ng larong yun. Q&A ang tawag ko.
Ilalagay sa paper ung tanong, sasagutan ng taong katabi sa kanan ung tanong nang hindi nalalaman kung ano ang tanong na isinulat. Ang clue lang eh kung anong klase ng sagot ang dapat nyang ilagay don sa papel.

Q: Paano ka mangulangot?
(Clue)Paano?
A: isusubo

Q: Ano ang gagawin mo kapag tinubuan ka ng kulugo sa kilikili?
(Clue) anong gagawin?
A:hihiga lang

Q: Kelan ka huling hindi nagpanty?
(Clue) eksaktong petsa
A: Feb.4, 1984

Q: anong sinasabi mo kapag nagugulat ka?
(clue) sentence
A: Ang saya ko!

Q: gaano kahaba ang buhok mo sa kilikili, bago mo ahitin?
(Clue) inches, cm, km, m, exact number
A: 3 inches

Q: anong color ng mata mo kapag bagong gising?
(Clue) color
A: pink

Q:saang part ng katawan mo gustong tubuan ng pigsa?
(Clue) body part
A: sa fingers

Q: anong sex ang gusto mo, mabagal, mabilis, o ung okay lang?
(Clue) mabagal, mabilis, o okay lang
A: mabilis. broom! broom!

Q: Bat ayaw mong makinig kay sir?
(Clue) bakit?
A: E kse naman, ang sagwa!


Hahahahaha, hohohohoohooohhooohooh.hahahahahahah hihihihihihihwehehehewehhehe, ahahahaha
Tom ulit!!!! Hehe.

Tuesday, March 30, 2004

piolo, piolo, i love you.
aga, aga, i like you.
jimboy, jimboy i hate you.

e kse naman.....

NILOLOKO MO AKO!


anakanangtets! ma lalalast song syndrome nlang, ung kanta pa ni mahal at mura! e kse naman mahilig pa naman ako mag sabi ng "e kse naman.." yan tuloy.. may kasunod na parating.. "..niloloko mooo akoo.." yan! yang mga fx an yan ang may kasalanan! umagang-umaga, habang nag-aaral ako para sa metres, un ang pinapatugtog sa peyborit nilang steysyon, YES FM.

"kailangan pa bang imemorays yan..."

asar na sar ako kapag naririnig ko un sa mga radyo ng fx o kaya jeep.. e kase naman (here i go again) paulit-ulit, nakakaloko pa ung boses, kada comment, "kailangan pa bang immemorays yan!" anakanang--shut up! sawang-sawa nako! tapos kakanta na namn c mura at mahal.. "e kse naman... niloloko mo ako..."

habang kumakain.. habang nagtututhbrush.. habang naliligo at nagbibihis.. habang naglalakad.. habang inaaral ang photo copy ngchapters 8-10 sa expsych.. hanggang sa pagtytype dto sa blog.. hanggang sa pagtulog ko.. un ang kantang nakatatak sa isip ko.. siyeeeet!! i need another song.. badly.

"fly away.. fly like pidjin fly...."
aarrggh.. help.

Sunday, March 28, 2004

Some things never have to end.

napag-usapan namin ni donna sa ym.

ola: "haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyy.. donna..
ola: darating din yun, ang mga lalking pinapangapangarap natin..
ola: sabi mo nga:
ola: "the universe will conspire.."
ola: ..at the right time"
donna: haaaay
donna: sana nga...
donna: pero dba mas masaya na sana habang ngaung bata ka pa makakilala ka na rin ng sumone kahit na di pa sha talaga para naman nakaka experience ka na rin ng iba...
donna: tsaka kinikilig ka na ren habang bata ka pa...
ola: hehehe.. oo naman..
ola: pero dba.. may panahon anman ang lahat ng bagay..
ola: cguro hndi lang tlga ngayon..
ola: kung baga,,, masamang pinipilit pahinugin ang isang bagay na hndi pa hinog
ola: hahahah
ola: wudn't it be nicer kung nahinog ka in a natural way.. mas matamis. mas fullfilling.
donna: hahahhaha... eh teka, pano ka mahihinog kung di mo pa nga naeexperience mabuti..
donna: kung di ka naeexpose sa ibat ibang klaseng pagmamahal..
ola: bakit.. meron namang puno jan na nsa liblib na gubat na may prutas.. hndi nagagalaw ng kung ano-anong fertilizer.. pero nahihinog pa rn sya..
ola: lahat ng bagay may certain time ng paghinog..
ola: ang tanong, pagka hinog ka na.. "paano kung walang pumitas?"

hndi na nmin nasagot ung tanong..
naisip ko na ang sagot ngayon ngayon lang.
kung wala mang pumitas.. hndi dapat mag-alalala.
There are some things that never have to end.
pgkatapos mahinog,
mahuhlog ito sa lupa.
hindi don mgtatapos ang istorya,
dahil kasabay nito ang panibagong panimula
galing sa isang buto, uusbong muli ang isang buhay.
lalago, magmamayagpag.
magbubunga ng napakarami.

mga bunga namahihinog
dahil sa pagsilip ng sikat ng araw,
pag patak ng bawat butil ng ulan,
pag-ihip ng hangin,
at bawat araw at gabing magdadaan.
mahihinog sya at maghihintay muli.

Saturday, March 27, 2004

nbbadtrip na ko sa smart amazing na yan.. asar!!!
may bibili pa kaya non, pagka binenta ko.. sana.. pero mammiis ko un if ever.. minahal ko yon na parang tunay na anak.. katabi sa pagtulog.. kasakasama sa pang-araw-araw.. makalimutan na ang lahat, wag lang sya.
tapos ngayon, ipagpapalit ko sya sa isang 7250i na mukahng drawing pa ata.

**************************

officially over

mga katagang tunay nga bang may halaga..
kelan mo nga ba tlga masasabi na, tapos na ang lahat?..
na sa wakas, kaya mo na na wala sya.
na after everything that happened (or did not happen),
kaya mo nang sabihin sa sarili mo
na hindi ka na iiyak..
na malaya ka na..
na malaya na sya.
kahit wla anmang oras na naging sayo sya..

******************************

*oi, may nagtext.. blah-blah-blah.. basahin mo na nga.*
"ola!! narinig mo na ba ang latest??!! DI NA NAMIN CRUSH C K******"!"
hndi ko makapa kung masaya ba ang tono nito. o isa pa rn itong paraan para i-convince ang sarili nila, na wala na nga tlga..

ganun ganun nala ng ba yon.. after nyong pag-daanan ang lahat-lahat. (as in lahat lahat) sasabihin mo nlng, its over.. pwwede nga ba tlga un? parang ung dun sa movie,

ADAPTATION:
(Meryl in a voice over)
if you loved something so much, wouldn't it Linger?
He (Laroche) just moved on. I wished i could to.


Wednesday, March 24, 2004

50 first dates

and you'd think, that wouldn't be possible.
the story is about a guy (Henry)trying to make a certain girl(Lucy) fall in love with him everyday

Imagine, every single day you have to introduce yourself to someone, make her stop and take notice of you. Imagine, trying to think of ways of making her fall in love with you, over and over again. Imagine, giving her a goodnight kiss before she sleeps, only to realize she wouldn't know you the next time she opens her pretty little eyes. Imagine seeing her the next day, only this time, you're just like everybody else, just another person in a crowd, an unfamiliar face, A complete stranger..

She wouldn't know that you tried to pick her up by pretending you can't read. She wouldn't know that you waited everymorning where your car passes by, and made your friend beat you up, so she could save you.She wouldn't know that you just shared the most wonderful day yesterday, hugging, kissing, laughing. She wouldn't know that the night after you explored the depths of each's soul, you just asked her to marry you, and she sincerely smiled and whispered, "Of course."

I could feel it.
It moved me.
He loved her.. underneath it all.
He loved her.. no if's. no but's.
He gave his all, and he didn't let go.

I guess I'm a sucker for cheesy movies.

And I'll continue to be one. Until I found my own Henry.
And then maybe, we'll have a story of our own.
Surreal,
but yes,
it never has to end.

Tuesday, March 23, 2004

Masaya ako, dahil maraming taong nagmamahal , nagtitiwala at naniniwala sa akin.
Hindi ko alam kung deserve ko yon.. pero nagpapasalamat ako.
I am blessed with so many things.
Kaya nag-uumapaw ako sa tuwa. Literal. Ppwede pala yun..
Kahit hindi ko masyadong naipapakita, naglulumundag ang loob ko sa kasiyahan.
Masarap tlga ung feeling na alam mong naaapreciate ka ng mga taong nasa paligid mo.

At ang pakiramdam na ito.. haaay.. walang kaparis, walang maikukumpara sa kakaibang high at lakas na nadadala nito parang cguro kahit un lang, pwede mo ng haharapin ang buhay.
At alam mong kakayanin mo, at ibibigay mo din ang lahat. Dahil enough na ang mga bagay na iyon, para naisin mong magtaguyod pa sa buhay.

Kaya, salamat.. Salamat. Kanino? Sa lahat. Sa Diyos. Sa Pamilya. Sa mga Kaibigan. (Sa sarili ko, dahil loveable ako. Hehe)

Monday, March 22, 2004

THE REASON
Hoobastank

I'm not a perfect person
As many things I wish I didn't do
But I continue learning
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know

I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
and the reason is you

I'm sorry that I hurt you
It's something I must live with everyday
And all the pain I put you through
I wish that I could take it all away
And be the one who catches all your tears
Thats why i need you to hear

I've found a reason for me

To change who I used to be
A reason to start over new
and the reason is You
and the reason is you
and the reason is you
and the reason is you

I'm not a perfect person
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know

I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
and the reason is you

I've found a reason to show
A side of me you didn't know
A reason for all that I do
And the reason is you

***************************
if reason is everything that you are..

Sunday, March 21, 2004

Trip.

ano nga ba ang trip..
trip kong manood ng movie.. kaya manonood ako, kahit wla akong pera.
trip kong matulog.. kaya magkukulong ako sa kwarto, wlang manggugulo.
trip kong kumain ng fishball, samahan mo pa ng sweetcorn na may cheese at asukal.. wlang pakialamanan!
trip kong tumunganga.
trip kong sumigaw.
trip kong mangurot ng pwet.
trip kong magtinikling.
..mag-jackstone
..tumalon ng isang-daang beses.
..kumindat ng nakapikit.
trip kong maglakad sa bubog habang nagtetext.
Bakit.. Trip lng naman ah.
it's no big deal.

Saturday, March 20, 2004

Nagpunta ko sa Dentista.

nagpapasta, isa.

sa totoo lng takot ako sa dentista, pero lagi kong knukulit ang mommy ko na bigyan ako ng pera para magpapasta, or magpalinis.

THE DOCTOR IS IN. siyet.. here i go again.

*zzziiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.. ziiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
*zzzzzzzzzziiiiiiiiiiing.. ... ZZzzZzzZZZzzziiiiiiiiiiiiiiiiiiiiZZzzZziiinngg..*

nkita ko ung mga abo ng ngipin ko na naglilipiran.

"open pa" sabi ni Tita Joy
sobrang buka na nga ang bibig ko, dahil sa takot ko na mtamaan ung gilagid or loob na part ng bibig.

hindi na kaya.. bukang buka na..

sadya cgurong maliit lng tlga ko ngumanga.
pero cguro nga parang buhay,
*ipilit mong ibuka pa.. ibigay ang lahat ng makakakaya. wider.. para di ka masaktan.

at isa pa.. ikakabuti mo nman ito.

kaya. cge, eto na.. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Thursday, March 18, 2004

depekto

nawawala ang id.

cra pa ang cellphone.

tagilid na sa pag-aaral.

tagilid pa rin sa love life.

wala na ngang pera,

wala pang kwenta.

****************

natatakot ako sa pwedeng mngyari..
if ever, hndi ko alam ang gagawin..
hndi ko alam ang mggigng reaksyon ko.
ayokong manakit.
ayokong may masaktan na nman ng dahil lng sakin.

ano ang gagamitin..
puso, o isipan.. puso o isipan..
paano mo pagsasabayin, ang dalawang bagay na nag-uumpukan?

Saturday, March 13, 2004

first time kong magtanggal ng lansa ng manok.

nung una.. nandidiri pa ko.. sabi sakin ng tita ko, "alam mo, ikaw lng ang nakita kong naglilinis ng manok na isang kamay lng ang gamit.." e kse nmn.. ayoko tlgang nghahawak ng ganon.. hndi luto.. naiisip ko pa ung itsura nila nung buhay pa sila. kinuha sakin ng tita ko ung manok, tapos inilublob ulit sa tubig na pinaglulutangan ng kung ano-anong body parts pa ng manok. "ganito o.. tanggalin mo ung mau-hog-uhog jan sa mga gilid."

bkt kse ako pa.. maghuhugas nalang ako ng pinggan.. ng mga baso.. mga kawali.. dishwasher lng nman tlga dapat ako eh. wla tlga akong galing pgdating sa mga ganyan.. pero hnde, pinilit pa rn ako. kailangan matuto daw ako. A MUST LEARN, kung baga.

****************
woahh.. ang saya.. okay nmn pla yon.. hehehe. madali lng din pala.. kinareer ko ang pagtatanggal ng lansa.. naka-isang kaldero ako ng manok.. wlang gilid na hindi nkaligtas. hindi daw ske magging masarap ang luto, kapag hndi ntanggal ung lansa non. kaya hayun.. "pasado ka na." sabi ng tita ko.

****************

randam ko c rakel. randam ko ung saya nya kagabi. sana nkasama din ako..

Friday, March 12, 2004

ryt about this minute.. cguro nagsisiya ung dlawang un.. c rakel at almira.. i wish i cud hav been there sa concert.. siyet. kung hndi lng short sa money.. at kung may nhanapan lng ako na mkasama sa panonood nun kahit sa labas.. field naman eh.. okay lng, marinig ko lng, ung "wish you were here", and "i miss you" okay na.. haaayy.. kaso hnde.. andto ko sa haus.. nabuburo.
*************************

nakita ko na ung kapatid ni rakel.. c roel. Cute sya.. hehe.

*************************

sana masaya ang lahat... para masaya. hehe-hehe-hehe.
if she could have done another thing.. could it have changed everything?

if she could have done what he wanted.. could it have made them happy?


siguro.. oo.. siguro, hnde.. siguro nagagawa lang ng mga tao ang mga bagay-bagay kse nagmamahal sila. minsan it doesn't turn out the way one wants to.. pero minsan ito ung pinakamakakabuti para sa lahat..

Kung mahal ka nya.. at mahal mo rin sya.. ano pa bang maaring maging problema. hndi bat un ang pnakamasarap na pakiramdam sa lahat. Ang malamang mahal ka ng mahal mo. ISN'T LOVE ENOUGH? sabi ko dati.. "Love is not enough." .. pero ngayon naisip ko dn.. "there are times that Love should be enough." pero syempre, depende rn naman sa sitwasyon yan. may mga bagay na alam nman natin kung kelan dapat itigil na, o ipaglaban pa..

at minsan sa buhay ng isang tao.. dapat alam din natin kung paano magtiwala.. lalo na sa taong mahal natin. Ang sarap siguro ng feeling na may magsasabi sayo ng ganito.. "Mahal kta. At kahit anong mangyari.. i won't give up on you." at pagkatapos non.. malalaman nyo nalang na ang sarap tlga ng buhay, lalo na kung alam mong may taong nagmamahal sayo, ung hindi ka mag-aalala na pwede syang mawala sayo, dahil alam mong naryan lng sya, at hindi ka na rn kailangang mag-iisip pa ng mga mahihirap na salita, dahil alam mong maiintindihan ka nya.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

"When you get to the point where you don't have to analyze any more, that's love." -Leo Buscaglia

Tuesday, March 09, 2004

*twinkle*twinkle*

ang galing ni crystal magsulat.. nakakatuwa. i can't help smiling habang binabasa ko ung mga linya nya. nakkatuwa tlga. kuhang-kuha nya, i found myself imagining kung ano ung ngyayari dun sa kinukwento nya. feeling ko nandon din ako.. huwaw.. ang galing tlga. at as usual..

nainggit na nman ako.
napakalaki ko tlgang inggitera.

*************************

ang ganda ng buwan kagabi.. pati, ang dami kong nakitang stars. minsan lng mangyari yon, lalo na sa parte ng lokasyong tinitirhan ko.. kadalasan kse tinatakpan na ng makapal na ulap, buildings o kaya pollution ang langit. kaya hindi ko na makuhang maappreciate ang ganda nito.

pero iba, kagabi..

kaya naisip ko, someday, im going to have my own beach resort.. ahhaa, ang taas ng pangarap! libre naman eh.. at pag nangyari yon.. haayy.. ang saya.. siguro matititigan ko na ang buwan at ang mga bituin nang wlang hirap, hindi nako mangangawit sa kakatingala, dahil nakahiga nalang ako sa sand, mararamdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin, at maririnig ang bawat agos ng tubig sa dagat. May pagkakataon na rn akong pag-aralan ang mga constellations.. at titigan ang mga butas sa buwan.. at isipin ng may buong interes, kung gaano nga ba tlga ito kalayo sa mundo.. isipin dn, kung ano kaya ang pakiramdam ng lumulutang sa kalawakan.. at kung papalarin, siguro kasama ko doon ang special someone ko..(hehe) magkahawak kamay naming nanamnamin ang ganda ng paligid at ang kakaibang saya na hatid nito.

tapos, tutugtog:

I lay my head onto the sand
The sky resembles a back-lit canopy with holes punched in it
I'm counting UFO's, I signal them with my lighter
And in this moment i am happy
Happy..


haaaay.. sarap.
Wish no. 1:
own a beach resort. preferably sa boracay..



*~**~*~**~*~**~*~**~*~**~*~**~*~**~*~**~*~**~*

Meet me in outer space.
We could spend the night;
watch the earth come up.
I've grown tired of that place;
won't you come with me?
We could start again.

Sunday, March 07, 2004

Ni hindi man lng nya naisip na may iikwento rn ako.

Na kailangan ko rn ng taong makikinig sakin.

Ng taong magbibigay ng payo.. o magsasabi na.. okay lng yan.. okay lng yan

Ni hindi man lng nya naisip, na kailangan ko rn ng kaibigan.

Cguro nga masyado na syang nasasaktan, kaya hindi nya na napapansin ung mga taong nangangailangan din sa kanya.

*******************

cguro isa rn sa mga rason kung bkt, masarap uminom at magyosi ay dahil alam natin.. kahit papano, abot kamay ang isang bote ng beer, at isang stick ng marlboro.

Saturday, March 06, 2004

BURP DAY

burp day ni will kahapon. hindi ako nkasama sa burp party, kahit trip kong uminom. gusto kong ma-intoxicate. maging chemically imbalanced. ma-feel na kaya kong gawin ang lahat. i-feel ang naghahalong mga emosyon. maglasing. dahil.. sa totoo lng, hindi ko alam ang rason. or siguro alam ko.. ayoko lng aminin.

burp day rn ni itchan kahapon, at ang pagkakaalam ko, may burp party mamaya sa patio. inaaya rn ako. pero mukhang di pwede.. kse dko trip ung ibang tao na makaksama don, at baka may makita pakong d knais-nais.

*******************************

beer.. alcohol.. yosi.. napanood ko, or nabasa ko ata. they're all depressants. akala ng lahat an pag ka uminom ka, humithit ng dlawang pakete ng marlboro o winston. e solve na. Ayos, masaya na ang buhay. hindi nila alam, madedepress lng sila lalo. ma-ddown.. at ma-ffeel ang bigat ng buhay. but they keep on doing it. we all keep on doing it. kse cguro it feels good bathing in sadness. conflicting.. cguro hndi "good" ung word.. cguro, gusto lng tlga nating magpakalugmok sa kalungkutan. idiin pa ng idiin, hanggang hindi mo na maramdaman ang lungkot.

****************************
tanggap nako sa comelec.
at long last, meron nakong extra-curricular activity.
tao na ko.

Thursday, March 04, 2004

love is blind.. (???) or is it really?

hehehe.. pag nabasa to nila aj at crystal.. papatayin ako ng dlawang yun. sabihin inaapi ko na nman c "stalkee" nila. hehe.. hindi nman eh.. cguro nga lng.. "to each her own." kanya-kanyang taste.. pagtingin.. but in fact (naks), in fairness, mukha nga nman tlgang mabait.. pero astig?? hmmm... hehehe.. nakuuu.. asar talo tong dlawang to, pag nagkataon..

hehehe.. sa totoo lng, natutuwa lng tlga ako kapag inaasar ko tong dlawang to. da best tlga cla!! wooohhooohoo.. i cant stop laughing pagka ksama ko tong dlawang kumag na to.. tapos sasabakan pa ng hirit ni chanina!! nakuuu riot! wehehehe.

pero kung ako dn nman ang tatanungin.. gwaping man o hindi.. maangas o aanga-anga.. kung mahal sa mahal, o sya, sya.. suportahan taka.. ganyan nman tlga kapag nagkamali ng tira c kupido. tsk tsk tsk.. hahamakin ang lahat. hehehe.

hindi nman ako perpekto, at sa totoo lng dn, wla nman akong karapatang mag-aangas dito. nakakatuwa lng tlga, kapag nakikita mong nag-iiba ang mga facial reactions ng dalawang taong may "deep feelings" (for lack of a better word) sa isang taong inaapi mo.. lalo na kung c aj at c crystal ung dlawang taong yon.

ang masasabi ko lng... Laking tuwa ko't nakilala ko cla.

**for the nth tym, inexplain sakin ni aj na ang angonon, ay pnopronounce as "a-ngo-non" hindi "ang-go-non".. (may "n" nga ba un sa dulo o wla?) at wla din daw un sa antipolo, nasa RIZAL.
EXCESS ABSENCES

naalala ko.. excess absences ako sa expsych. tinawag ako ng prof.. "olivia, come here." akala ko, pagrereportin na nmn ako.. "you have 8.5 absences." howly shit.. sumobra ng isa! pano na to.. "uhm, miss.. can i give an excuse letter for my absences?" "..sure, as long as it came from the vice dean. it has to be official." punyemimas.. pano ko nmn kaya gagawin yon. kailangan ko ng doctor!! ...doctorin ko nlng kaya.. recto. hindi nako makapg-isip ng maayos.. hindi ko na maintindihan ang lesson.. ang gago ko kse.. --8.5!!! hanggang 7.5 na nga, lumagpas ka pa ng isa.

Lumagpas ako dahil ng-absent ako nung strike ang mga jeep. buti nlng biglang tnanong ni steve c miss kung ng-attendance sya nung strike. marami nga daw absent. YES!!!!! hindi na daw counted! 7.5 nko ulit. sakto! major subject. at sa bawat absent pa, may minus na .5% sa final grade. mga 3.5% na ang bawas sakin.. may pag-asa pa kayang pumasa.. haayy.. makalagpas lng ako dto, MAGTITINO NA TLGA KO.

Wednesday, March 03, 2004

katanungan..

minsan.. hindi mo alam.. kung bibitaw ka ba.. o kakapit pa.

hindi mo alam.. kung lahat ng gnagawa mo, e may halaga pa ba sa kanya..

hindi mo rin alam kung kulang nga ba.. o sadyang sobra na.

kalokohan nga ba ang magmahal?

kahibangan? tama ba o mali?

paano nga ba malalaman kung kelan dapat nang itigil ang isang bagay na mukhang wla nang mapupuntahan..

isusuko mo ba, o ipaglalaban ang nararamdaman..

mahirap mag-isip, lalo na kung puso ang gagamitin. basta ang alam ko lng, masaya ako na nagmahal ako.. kase sa totoo lng, wlang hihigit pa sa pakiramdam na nagmamahal ka ng totoo.

**************
sa mga taong minahal, at minamahal, at higit sa lahat, para ito sa mga taong marunong mgmahal.

Monday, March 01, 2004

siguro nga kasalanan ko..

its been 3 months since.. at alam ko galit pa rn sya sakin..

siguro nga kasalanan ko..

dahil nasaktan ko sya..

pero sana alam nya rn.. na hindi lng naman siya ang nagmahal.

dahil minahal ko sya.. nang higit pa sa inaakala nya.
"Love shouldn't be such a hard work.."

but it always is..

Saturday, February 28, 2004

kahit pagod okay lng.

Kahit PAGOD.. sulit naman.

hehehhe..

"tayo na.. sa antipolo.. at doon.. maligo tayo.."

dumayo kami sa antipolo kahapon. ksama ko c chanina. punta kami kna AJ.. LRT, MRT, at isang napakahabang byahe sa jeep. grabe ang haba tlga.. para kming pupunta sa probinsya. pagbaba namin sa jeep, ahhahaha, ayos, para kaming matatandang may rayuma. d na makatayo ng tuwid!

pagdating don, ang saya, nanood kami ng "ytu mama tambien" (and your mama too) hehehe.. okay din ung movie. masama nga naman kung may patusan sa pagkakaibigan.

tapos, ginupitan nila jani c crystal.. with bangs and everything! ahhaha.. "jennylyn, is that u??" hehehhe. ayos, pwede ng ipanglaban sa istartrucks!!

tapos nagvideo oke kami, hahahhaha. talo ang american idol, naka 94 ako, kaso tinalo ko ni jani sa special song nya, 97!!! kumag!

hahahah.. balik ako school.. masaya.. nakasama ko ulit c kel, almira, at tina.

haaaaayy.. sarap tlga ng buhay.. lalo na kung alam mong may mga kaibigan ka. Na laging nanjan.. laging handang magpatawa.. magpakain ng picha pie.. makipag duet sayo sa pinaka corny at jolog na kanta.. magpahiram ng mrt card.. at sabihing magmisscall ka kung nasa bahay ka na.. maghintay sa napaka busy mong schedule.. at ayain kang makasamang mkipag-inuman for the nth time.. mag-share ng song of the week.. at ng mga deepest thoughts.. magpunta sa mga photocopy station para lng kunin ang copy ng report mo.. handang hintayin ka sa pagsakay ng jeep.. at iaalok ang pagkain nyang pagkasarap-sarap.. haay, kahit nkkapagod.. ang sarap tlga ng buhay.

Tuesday, February 24, 2004

tama na

"Simple friends are those who expect you to always be there for them. True friends are those who expect themselves to always be there for you."

Ang saya ko kanina. Another day filled with laughter and warmth. Tawa na naman kami ng tawa. Hala.. cge.. cge tawa pa..

(Pagka tnatamad pala c jani, e nattrigger ang happy hormones nya.)

*Ah-hi-hi-hi-hi- Ah-hi-hi-hi-hi-hi-* ik-ik-ik-ik-ik-ik-ik*

Nanood kami ng movie. Milan ulit. Kahit napanood ko na, Ok lang.. Masaya naman. Naiyak na naman ako, ambaba talaga ng luha ko.

**************************

Masakit maging kaibigan.

Sa tuwing sinasabi niya ang ginagawa ng gagong yon. Kumukulo ang dugo ko. Gusto kong pagkukutusan, sipa-sipain, kalbuhin, pamagain ang mukha nyang maga na talaga, tapyasin ang nguso nyang tambucho, balatan sya ng buhay! Aaaaaaaarrrrrrgggggghhhh!

Nasasaktan ako.

Dahil ayokong nasasaktan siya.


Dahil alam ko na hindi nya deserve na masaktan ng ganito. She deserves better than this, Dahil alam ko din, that she could do better. She knows better.

Hindi nya kailangan ng isang gagong katulad niya.

Gusto kong sabihin na Love is not enough.. Love is not enough..Na hindi lang dapat laging, ..dahil mahal ko siya.

Sana man lang naisip niya.. na the whole time na nasasaktan siya, may isa pang taong nasasaktan din para sa kanya. Sana maisip niya.. na makailang libong beses ko mang intindihin ang nararamdaman niya, eh hindi ko pa ring mapipigilang hangarin ang makakabuti para sa kanya. Hindi ko pa ring mapipigilang sabihin o isipin na.. Tama na.. tama na..

Ayokong maglihim siya sakin, at itago ang nararamdaman niya. Ayokong mawalan siya ng taong malalapitan.. masasabihan.. matatakbuhan.. mahihingahan ng sama ng loob. I want to always be there for her. Ayokong ma-feel niya na nag-iisa siya. Dahil kahati niya ako sa lahat ng saya.. at sakit.

Kaya minsan, dinadaan ko nalang sa dasal.. Na sana.. sana, dumating na ung araw na yon. Yung araw na magiging masaya na talaga siya. Yung saya na hindi makukuha sa kung sinumang gagong nakapaligid sa kanya.. kundi ung saya, na tanging makikita niya lang sa sarili niya.

Monday, February 23, 2004

PUNYEMAS

***************************

We were holding hands, and looking through each others eyes.. He had this certain look that made me feel, i've got everything i need. And then, i dont have to search for love anymore, because i've found it. Finally.

And we were walking, his hand gently holding mine.. and we never left each others gaze. We were smiling.. Like little kids who found a pot of gold at the end of a rainbow. And i felt peace in every corner of my heart.

*i got mail.. YEY! i got mail!*

i felt my pillow.. and my cellphone, vibrating.

He was gone.

badtrip...

Saturday, February 21, 2004

Despite The Tears

Song of the Week

*************

Despite The Tears
by Jeff Buckley



he found a letter from his lover
she said she's never coming home
his things were lying on her doorstep
and his tears, they fell like rain

and in his mind, he knew
he'd love her always
despite the tears

and in this town where few knew love
he'd spend his nights all alone, crying
and all the love he'd once shared with her
was gone, long, long, long gone
and he knew a part of him was dying

and in his mind
he knew he'd love her always
despite the tears

don't cry, don't cry, don't cry
lover we tried, we tried, we tried
and in his mind he knew he'd love her always
despite the tears

Thursday, February 19, 2004

PAG-IISIP SA ISANG GABI..

PAG-IISIP SA ISANG GABI..


***********************

Sometimes I lie awake at night, and I ask, 'Where have I gone wrong?' Then a voice says to me, 'This is going to take more than one night.'
-charlie brown (Peanuts)

************************


Wednesday, February 18, 2004

MOm's birthday at ang mga sinusumpang tests!

MOm's birthday at ang mga sinusumpang tests!

bithday ng mom ko ngayon.

kumain sa labas.. actually opening ng "foodcourt kainan" ng tita ko, so don kami kumain.. after nun punta kami sa bayview sa roxas.. maraming tao.. at don kami ng stop over sa "panay kalipay"

tumutugtog: ALAMID (ung kumanta ng 'your love')

nagrequest kami ng song.. e wla kaming maisip kaya "grow old with you nalang.. kinanta naman nila.. okay.. ayus ung version nila.. napag-isip-isip lang ako lalo.. to whom do i want to grow old with?... haaayy.. ayoko ng mag-isip.

sumunod na kumanta: rebekah. kakaibang pangalan, hindi ko masyadong gusto.. hindi rn kagandahan.. pero she sang beautifully. naiinggit nga ako eh.. bkt ba kse hindi nalang ako pinanganak ng may kabigha-bighaning boses.. hilig ko pa man ding kumanta. punyemas..

bumili din pala ako ng pillow na sobrang sarap-saya-kakatuwang hawak-hawakan at pisil-pisilin! blue sya.. at ang galing nakuha lang namin ni nikka sa napaka murang halaga!!! dlawa nga ung binili ko, ung isa bnigay ko na sa dad ko, kse nung hinawakan nya, natuwa din sya, kaya binigay ko na.

bad trip kahapon.. dalawng test ang siguradong ibinagsak ko..

test 1: metres, ampuch! san ba nila pnagkukuha yang mga questions na yan! ahlos mapiga at gumiv-up an ang utak ko sa kakaisip kung anong isasagot. sana pla.. di ko nlng pinrint ung copies nya.. wla rn palang lalabas. labo. (nakita ko c jani, tama ba namang tulugan ang test!!!! tsk tsk tsk. tatapikin ko sa na, kayalang baka sabihin ni miss ngttanong ako ng sagot sa napaka-imposibleng test nya. . hahanap nako ng tiempo, nang.. ayus, may dumaan, naalimpungatan ang loka)

test 2: cogpsyc. isa pa to. isapa to.. mga kakaibang questions din.. partida daw, by partners ang test. at syemps cno pa ba ang partner in crime.. c jani.. ayun.. question #1 palang.. ngisngisan na ng ngisngisan. tawa.. cge..tawa pa.. palibahasa wlang masagot!!! lahat ata ng napag-aralan.. nasa short term memory.. kung pwede lng lagyan ng isang malaking "WAKARANAI, SIR!! (translation: hindi ko alam, sir!!!)" sa buong page, kaya lang.. behave kami kaya maliit lng nilagay namin.. wehehe. kagaguhan!

Sunday, February 15, 2004

DRIVING101

DRIVING101

im so happy!!!!! hehehehehe.. tinuruan kami ng dad ko mag-drive.. pwede na akong lumipad!! hehehhe.. naisip ko kse cguro wla na akong pag-asang matutong magdrive.. kapag inoobserbahan ko kse sila jani.. donna.. o kaya c daddy o kuya.. parang ang hirap-hirap.. parang hindi maarok ng utak ko ung 'paganon-ganon' (ehehehe).. ung mga primera-primera na yan.. yang clutch at reverse na yan.. aysus!!

pero natuwa talaga ako.. kse marunong na ako! marunong na akong mag-atras-abante! :) ang galing-galing.. oo, wala lang yon sa mga propesyonal. pero bakit ba... masaya ako.. mahirap na yon para sa isang beginner.. mahirap maglipat ng primera sa neutral, tapos clutch, tapos dahan-dahang i-bbreak.. tapos neutral.. tama pa ba.. ah ewan.. basta alam ko na ulit un, pagka hawak ko na ung manibela.

pero ang saya talaga.. dati kse na-iimagine ko na ung first boyfriend ko ang magtuturo sakin kung pano magdrive.. naisip ko.. ang sweet cguro nmin non..
pero naisip ko rin... nothing beats the fact that ur dad was willing to teach u to drive. kahit na sobrang pagod na sya.. kahit sobrang napakadali lng ng tinuturo nya.. "very good.. very good." pa dn.. kahit makahalos isang oras at higit ka na nyang tinturuang mag-atras-abante.. tapos biglang mamatay ung makina dahil masyado mong binigla ung break nang hindi inaapakan ang clutch..

naisip ko.. okay lng kahit hindi na ung first boyfriend ko ung nagturo.. kung hindi ko man maranasan ang ka-sweetan ng pag-aaral ng driving with my future boyfriend. EH ANO.. masaya rn naman ako.. dahil naranasan ko ang ka-sweetan ng pinaka-importanteng lalake sa buhay ko.

tsk. tsk. tsk.

tsk. tsk. tsk.

nag-usap kami ni nikka.. na-inspired na naman akong magsulat.. pag nakakausap ko naman ung babaeng un, lagi akong naiinspired magsulat.. dahil siguro naiinggit din ako... dahil siya, she's doing what she loves.. kahit alam ko mahirap din, pero naiinggit talaga ko kse kahit nahihirapan din sya, nakakapagsulat pa rn sya.. frustrated writer ako.. na walang ginagawa. kaya nga nakakainggit, kase sya may ginagawa sya sa gusto nya. and she's doing things para ma-improve ang sarili nya..

eh ako.. hay.. ayan magself-pity na namannnn... e kse naman.. naiinggit pero wala namang ginagawa.. tsk tsk tsk... bakit pa.

Saturday, February 14, 2004

Hearts' Day

Heart's Day

haaaaaaaayy.. syempre.. di maiiwasan mapag-usapan ang love.. heart's day eh.. i feel... ewan ko.. normal.. hindi ako masaya.. pero hindi rn malungkot.. cguro napag-iisip isip ko.. ung mga 'what cud have beens' and 'what might have beens' pero naisip ko din.. Bkit pa.. tapos na yun.. (or tapos na nga ba?) Bkit pa.. eh choice ko un.. pinili ko maging ganito.. Bakit pa.. e masaya na siya.. masaya na sila.. i cud just be happy for them.. dahil un lang ang pwede kong gawin.

ayokong maging bitter.

i'll move on.

and kung sino man sya.. ung darating.. or kung dumating na.. i'll be more than willing to wait.. ayoko na nung basta-basta lang.. ayoko na ng "feeling ko sya na.." i'll make sure.. "na sya na talaga.."

mapapakilala ko sya sa lahat.. maipagtatanggol.. mamahalin ng buong-buo. and il try to be a better person for him.

maghihintay ako.. kahit gaanong katagal.
waiting is not that bad.. dahil alam ko, kapag dumating ung araw na yon. Hindi ako magsisisi.

naks.. ang sweet ko.. ah basta.. un na un..

"if i so much wanted to be in the arms of the wrong one...
how much more in the arms of the right one."