Saturday, March 17, 2007

halos mamatay ako..
halos mamatay ako.

alam kong lagi kayong magkasama
dati rati kase, ako yun..
dati ako ang katabi mo..
(masayang masaya ako sa bawat oras ng mga yon)
dati ako lahat ang may alam ng problema mo.
dati ako ang kasama mong kumain
..bumili ng mga kailangan mo
..at sasamahan naman kita.
tapos mang-aasar ka, mapipikon ako..
tapos may gagawin akong kapalpakan
..at magiging parang nanay na naman kita..
away ng konte, kakain, asaran, tapos tatawa..

okey na ko don..
hihingi pa sana ako ng higit sa binibigay mo,
pero iyon lang ang kaya mo..
inakala kong magbabago rin ang pagtingin mo sa akin
kaya hinintay kita

maraming beses mo namang ipinaramdam at ipinaalam na hindi ko na kailangang maghintay
pero ginusto ko..
ako ang nagpumilit.
ako ang umasa.
ako ang pasaway.

halos madurog ang puso ko nung nalaman kong kasama mo sya
sa mga lugar na dati'y ako ang dinadala mo.
halos mamatay ako nung nalaman kong gusto mo sya
halos maubusan ako ng hininga nung nalaman kong kayo na.
higit pa nung nalaman kong don ka natutulog, at Bubba ang tawag mo sa kanya...


ang dami kong mamimiss sa atin..
ni hindi ko alam kung saan at paano mag-uumpisa.

***
Lord, bahala ka na sa puso ko..
salamat dahil sinagot mo ang mga panalangin ko..
dahil ngayon nakahanap na sya ng taong mamahalin nya at mamahalin din sya.
Forgive me Lord,
dahil alam ko maraming beses kitang kinalimutan
maraming panahon na isinangtabi kita.
alam ko, hindi ko deserve ang lahat ng mga blessings
na binibigay mo sa akin..
pero sisikapin ko, Lord.
sisikapin kong maging karapatdapat sa pagmamahal mo.

No comments: