Sunday, December 16, 2007

just got home from shopping.
ang bilis talaga umagos ng pera palabas ng bulsa..
nung isang araw lang, hawak hawak ko ang buong thirteenth month pay ko.
it's not much, pero laking tuwa ko tlga nung nailabas ko na ung pera sa atm machine.
naisip ko:
sa wakas, may pambili nako ng digi cam.
konting dagdag nalang.. okey na.
nung tumingin ako ng masuwereng mapipiling camera..
kulang.
abot hanggang dalawampung libo ang presyo.
malayo pa ang lalakbayin ng kapal ng wallet ko.

kaya ayun..
naisipan kong mamili na lang ng regalo para sa pasko.
okay naman.
hindi pa covered ang lahat pero magaganda anman ang nabili ko..
yun nga lang, parang ilang segundo lang din ang pag-impis ng wallet ko.

haaaaaays..
makapag-wrap na nga lang ng gifts!

8 days to go!

No comments: