Monday, January 14, 2008

bakit ganon.. pakiramdam ko,
ako yung kontrabida..
sa pagkakaalam ko.. wala naman akong ginawa..
wala naman akong dinehado..

wala rin naman akong sinisisi.
alam ko anman na walang may kasalanan sa nagyari.
tanggap ko naman ang lahat.
hindi ko rin naman ipinipilit na makibahagi pa sa mundong hindi na akin.

pero masama ba..
masama bang masaktan.
maramot na ba..
kugn naisin ko mang angkinin ang mga ala-alang noon ay amin lang.

pasesnsya ka na,
kung hindi kita kinamayan.
pasensya ka na,
kung kulang pa yung ngiting ibinigay ko.
pasensya ka na,
kung nasasaktan pa rin ako.
hindi naman ako perpekto..
hindi lang ako kasing lakas ng inaakala ninyo.

No comments: