Tuesday, May 01, 2007

ipaskil ang dalangin sa pisara ng hangin
kasabay ng wakas ng isang panaginip
agiw sa isip
itago ko man
mahirap gawin na ikaw ay limutin

hanggang dito nalang
handa kang sumuko sa unang pagbitiw
matutunan ko sana
lumayo sa huling sandali

hanggang dito nalang
wag na nating isulat ang maraming mali
kung hindi makayanan
tumalikod nalang
palayo sa huling sandali

No comments: