Friday, September 21, 2007

"sumagot lang ng opo, hindi po, o ng wala po."

***

kabado ako sobra nung pagpasok ko sa room.
ineexpect ko na ang makikita ko:
madilim at may isang nakasinding bumbilya na nakasabit lang
tapos may dalawang mamang pulis, na kapwa nag-aabang sa akin.
isang naninigarilyo, at isang may hawak na baril.

*breathe in*
*breathe out*

first time kong magpapa lie detector test.
inihanda ko na ang sarili sa pagbukas ko ng pinto.

"pumasok ka na sa loob." sabi sakin ng babaeng pulis.

hmpf,
ang sunget.

lumuwag ang hinga ko nang makita kong maliwanag naman pla sa loob.
*buntong hininga*
white light.
at isa lang ang pulis.
may isang silya, roon na namukud tangi.
sa totoo lang mukha syang electric chair.
kulay brown.
may sandalan at arm rest din na malapad.

sa tabing kanan nito ang polygraph machine.

Diz iz it.



****

relax lang.
wag hihinga ng malalim.
normal lang ang pag hinga.
wag pag lalaruan o kakagatin ang bibig.
wag lulunok.
wag igagalaw ang kamay, ang paa.
wag lilingon, wag iikot ang tingin.
tumingin lang ng diretso, eye level.

sumagot lang ng opo, hindi po, o ng wala po.

hindi na kailangang tumungo, pag sumagot ng opo.
hindi na kailangang umiling, pag sumagot ng hindi po.

makinig ng mabuti sa mga tanong.
normal lang ang pag hinga.
relax.

Relax?
mahirap yatang mag-relax habang sinasabihan ka ng mga katagang ganun.
habang kinakalma ang sarili.
habang iniisip mo kung paano hindi masyadong lumunok.
at kung paano panonormalin ang paghinga.
sakto, pasmado pa ako.

ang hirap nito.
think happy thoughts.

***

mga apat na beses nilang inulit yung set ng mga tanong.
kaya pla ganun yung mga napapanood ko sa tv.
lahat seryoso.
hindi maka-ngisi.
hindi maka-basag pinggan.
lahat takot na baka maapektuhan ang resulta ng test.

gusto ko sanang magpapicture.
habang kumpletong nakakabit sa akin ang lahat ng aparato para sa test.
kaya lang, pinapatay ni ateng pulis yung cellphone ko.

sayang.

No comments: