Sunday, March 28, 2004

Some things never have to end.

napag-usapan namin ni donna sa ym.

ola: "haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyy.. donna..
ola: darating din yun, ang mga lalking pinapangapangarap natin..
ola: sabi mo nga:
ola: "the universe will conspire.."
ola: ..at the right time"
donna: haaaay
donna: sana nga...
donna: pero dba mas masaya na sana habang ngaung bata ka pa makakilala ka na rin ng sumone kahit na di pa sha talaga para naman nakaka experience ka na rin ng iba...
donna: tsaka kinikilig ka na ren habang bata ka pa...
ola: hehehe.. oo naman..
ola: pero dba.. may panahon anman ang lahat ng bagay..
ola: cguro hndi lang tlga ngayon..
ola: kung baga,,, masamang pinipilit pahinugin ang isang bagay na hndi pa hinog
ola: hahahah
ola: wudn't it be nicer kung nahinog ka in a natural way.. mas matamis. mas fullfilling.
donna: hahahhaha... eh teka, pano ka mahihinog kung di mo pa nga naeexperience mabuti..
donna: kung di ka naeexpose sa ibat ibang klaseng pagmamahal..
ola: bakit.. meron namang puno jan na nsa liblib na gubat na may prutas.. hndi nagagalaw ng kung ano-anong fertilizer.. pero nahihinog pa rn sya..
ola: lahat ng bagay may certain time ng paghinog..
ola: ang tanong, pagka hinog ka na.. "paano kung walang pumitas?"

hndi na nmin nasagot ung tanong..
naisip ko na ang sagot ngayon ngayon lang.
kung wala mang pumitas.. hndi dapat mag-alalala.
There are some things that never have to end.
pgkatapos mahinog,
mahuhlog ito sa lupa.
hindi don mgtatapos ang istorya,
dahil kasabay nito ang panibagong panimula
galing sa isang buto, uusbong muli ang isang buhay.
lalago, magmamayagpag.
magbubunga ng napakarami.

mga bunga namahihinog
dahil sa pagsilip ng sikat ng araw,
pag patak ng bawat butil ng ulan,
pag-ihip ng hangin,
at bawat araw at gabing magdadaan.
mahihinog sya at maghihintay muli.

No comments: