Monday, February 02, 2004

lessons found on tv... ayus!

lessons found on tv... ayus!

Pinagalitan ako ng tita ko kagabi (sa iisang kwarto lng kse kmi natutulog). Matulog na daw ako at may pasok pa ako bukas. Lagi nalang daw ako inuumaga sa pag-tetext (naabutan niya kase akong hawak na naman ang prized possession ko, ang aking magic cellphone.) Ka-text ko kase si Racquel non. Pinag-uusapan naming kung bakit ako nalulungkot.

Kinailangan ko pa tuloy bumaba, para hindi ko maistorbo ang tulog nila (kasama ko rn kase si kaye sa kwarto). Nakabukas daw kase ang ilaw. Masyadong maliwanag. At ako.. kailangan kong magsulat. naalala ko kase yung movieng pinanood namin kina Almira. At naalala ko rin ung sinabi ni Nikka sa blog nya.

MEMENTO.
"Lenny.. focus. focus. get a pen.. and write it down."

bka kase makalimot din ako.

kaya ayan.. nandito ako ngayon ipinagsasantabi ang magkahalong antok at takot. Ako nalang kase ang tao dito.

Ang galing.

Narealize ko, okay din pa lang manood ng TV. Hindi naman talaga siya nakakabobo, katulad ng sinasabi ng marami. Dahil sa mga simpleng palabas na napanood ko, ang dami kong natutunan.

nakapanood kase ako ng Starstruck, MTV, at Shrek. At sabay-sabay ang airtime nila. Mahilig kse akong mag-channel surf pag commercial pa. Napanood ko na rin naman ang Shrek sa moviehouse, pero talagang tuwang-tuwa ako sa movie na yon. Favorite naming dalawa ni nikka yun kaya pinanood ko ulit. Naasar nga ako eh.. naisip ko, bakit ganon, kung kelan ang daming magandang palabas sa TV dun pa sila magsasabaysabay, pero minsan naman, ni isa wala. Tsk. Tsk. Tsk.

Starstruck.
Nakakahiya mang aminin, pero OO. Nanonod ako non. Nakakatuwa kase. Lalo na kung maghihiritan kami nila jani at aj sa text. Sobrang laugh trip talaga.

BELIEVE IN THE POWER OF YOUR DREAMS. Sinong mag-aakalang nakaapekto pala sa akin ng matindi ang mga lines na ‘yan. Hahaha, ang corny diba.
Corny pero may bigat. Dahil totoo ang sinasabi nito. Lahat ng bagay.. lahat ng pangarap.. hanggat naniniwala kang kaya mo, makukuha at magagawa mo.

Sa totoo lang ang dami kong nakuhang insights sa Starstruck na yan. Ka-weirdohan ko ba o ewan..

1. Oo nga.. hardwork, lakas ng loob, tiwala sa sarili, charms, suporta ng mga mahal sa buhay, at prayers lang talaga ang kailangan para magtagumpay.

2. At kung di man mangyari ang ineexpect na kalalabasan ng mga bagay-bagay, kailangang tanggapin ng maluwag sa loob. Ces la vie.

3. Na may mga bagay na hindi talaga para sa iyo.

4. Matutong maging masaya para sa isang kaibigan.

5. Na kahit anong mangyari, ang pamilya mo ang unang matutuwa at malulungkot para sayo. Sila rin ang No.1 supporters mo.

6. A nice smile could bring you to the top. Be charming.

7. NA may mga taong over-acting talaga. Pero hindi nila kasalann ‘yon. Kung paminsan dala lang ‘yon ng matinding pangangailangan.


Shrek

1. Once a friend, always a friend.

2. To have faith on people. It always works.

3. Friends forgive each other.

4. A true friend never leaves your side.

5. We are lonely, because we keep on building walls instead of bridges.

6. Kapag walang magawa, marami kang maiisip.

7. Masayang kasama ang koboy.

8. It’s bad to be vain.

9. It’s bad to be insecure.

10. Beauty is really skin deep.

11. People sometimes change overnight.

12. And sometimes, they change back.

13. Sunsets are beautiful.

14. Minsan okay yung may sobrang kulit na kaibigan.

15. Expect the unexpected.

16. Don’t give up.

17. Give your all.

18. Ang isang dragon ay pwedeng mainlove sa isang donkey.

19. Even ogres fall in love.

20. Love conquers all.


MTV: Behind The Music (1994)

1. Magaling si Michael Jackson. Kaso sinayang niya dahil kailangan iya pang mang molestya ng bata.

2. Astig si Kurt Cobain. Sayang lang din. He fired a gunshot and killed himself. Sabi ni racquel, parang may conspiracy daw na nanggyari don, sinabi daw na si Courtney Love daw ang nag-utos na ipapatay ang asawa nya. Sa totoo lang naguguluhan ako, pero kugn ano amn ang nangyari, eto lang ang alam ko. Hindi tama na patayin mo ang sarili mo, que sabihin mong free will yon. At lalong hindi tamang kumitil ng buhay ng ibang tao. Ang isang pagkakamali ay hindi matatama ng isa pang pagkakamali.

3. Na namatay din si Tupac at BIG dahil lang sa away at di pagkakaunawaan. Tsk. Tsk. Tsk. Sus. Bat di nalang sila magbato-bato-pik.

4. May mga bagay na di nadadaan sa bato-bato-pik. (pero pwede naman kung gugustuhin)

5. Give others a chance.

6. Give yourself a chance.

7. Gusto kong kutusan c Michael dahil his a horny bastard.

8. Gusto kong kutusan si Kurt o si Courtney, basta kung sino man ang may pakana sa lahat.

9. gusto kong kutusan si Tupac at si Big dahil warfreak sila.

10. Life is meant to be celebrated.

11. Music is good.

12. Music brings people together.

13. People are crazy.

14. na most of my fave songs ay sumikat pala nung 1994.

15. astig talaga ang Hootie at Counting crows.

16. I like Mariah better noong bata pa sya.

17. narealize ko na okay din pala si Billy Corgan ng Smashing Pumpkins, na The Swanz na ata ngayon.

No comments: