DRIVING101
im so happy!!!!! hehehehehe.. tinuruan kami ng dad ko mag-drive.. pwede na akong lumipad!! hehehhe.. naisip ko kse cguro wla na akong pag-asang matutong magdrive.. kapag inoobserbahan ko kse sila jani.. donna.. o kaya c daddy o kuya.. parang ang hirap-hirap.. parang hindi maarok ng utak ko ung 'paganon-ganon' (ehehehe).. ung mga primera-primera na yan.. yang clutch at reverse na yan.. aysus!!
pero natuwa talaga ako.. kse marunong na ako! marunong na akong mag-atras-abante! :) ang galing-galing.. oo, wala lang yon sa mga propesyonal. pero bakit ba... masaya ako.. mahirap na yon para sa isang beginner.. mahirap maglipat ng primera sa neutral, tapos clutch, tapos dahan-dahang i-bbreak.. tapos neutral.. tama pa ba.. ah ewan.. basta alam ko na ulit un, pagka hawak ko na ung manibela.
pero ang saya talaga.. dati kse na-iimagine ko na ung first boyfriend ko ang magtuturo sakin kung pano magdrive.. naisip ko.. ang sweet cguro nmin non..
pero naisip ko rin... nothing beats the fact that ur dad was willing to teach u to drive. kahit na sobrang pagod na sya.. kahit sobrang napakadali lng ng tinuturo nya.. "very good.. very good." pa dn.. kahit makahalos isang oras at higit ka na nyang tinturuang mag-atras-abante.. tapos biglang mamatay ung makina dahil masyado mong binigla ung break nang hindi inaapakan ang clutch..
naisip ko.. okay lng kahit hindi na ung first boyfriend ko ung nagturo.. kung hindi ko man maranasan ang ka-sweetan ng pag-aaral ng driving with my future boyfriend. EH ANO.. masaya rn naman ako.. dahil naranasan ko ang ka-sweetan ng pinaka-importanteng lalake sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment