bakit ganon...
sobrang gastos ko na ba talaga?
halos mag tatatlong taon nakong nagttrabaho..
pero ni isang kusing wala akong naipon.
sabi ko nga.. simple lang ang pangarap ko.
ang magkaroon ng masayang pamilya.
yung meron akong apat na anak at asawang kasama kong matutulog bawat gabi.
yung kaya kong ibigay ang pangangailangan at mga simpleng bagay na ikalulugod ng puso nila.
kahit hindi na kami mayamang mayaman. (mayaman lang, okay na.)
pero pano kaya mangyayari yun.
ni hindi ko alam kung saan at paano mag-uumpisa.
malapit na akong mag birthday..
kung pwede lang sana na paurong ang pagbibilang ng edad.
bente-kwatro.
dalawamput-apat.
twenty-four.
24 years old nako.
pakiramdam ko, hindi ko pa rin alam kung saan ko dadalhin ang mga paa ko.
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaay...
mahilig ako sa ganyan..
sa isang napakahabang at napakalalim na buntong hininga.
madali kasing gawin.
walang masyadong salita,
pero naka buod na doon ang lahat ng nararamdaman.
ang hirap kasing magpaliwanag minsan.
hindi mo alam kung may nakikinig..
o kung kung may makakaintindi.
kaya yun nalang ang ginagawa ko..
bubuntong-buntong hiniga sa tabi.
itapon nalang sa hangin ang lahat ng hinanakit..
ng pagod..
ng mga bagay na nais abutin..
ng mga salitang hindi mailabas ng labi.
kahit papaano, pakiramdam ko..
nabubuhat ng hangin ang konting bigat na nararamdaman.
*ngiti*
No comments:
Post a Comment