Sunday, November 07, 2004

"since when, did everything get so complicated?"

i suddenly thought of the things that really mattered to me.

family.
they are the ones who will always be around. kahit mag-asawa ka pa, at makahanap ng sangkaterbang barkada, ang pamilya pa rin ang uuwian mo sa gabi. at kahit gaano ka kasama, kahit gaano ka kabulok, kahit na gaano ang pagka-alingasaw ng lahat ng kapangitan mo, matatanggap ka nila. Hindi na magbabago yun, kadugo ka. kakabit sila sa lahat ng pag-angat at pagbagsak mo.

friends.
sila ang absorber ng lahat ng kalokohan mo. ang takbuhan. ang taga-payo. ang taga batok, kapag napapriwara ka na naman. sila ang cheer-upper. at sila rin ang kaunting mga tao na nagpaparamdam sa iyo, na mahalaga at kailangan ka nila. it feels great to need and to be needed. a reason maybe it feels that you are "being", and that you are of some use in this quite-oh-so-confusing-world. i usually view the world positively. that evrythin happens cause you will learn something from it, and all those blah-blah's. But like any others, there moments wherein you see the world as crap creeps in. And friends, well they're the ones who pull you back to the wonderful side of the world. Sila, sa maraming pagkakataon, ang rason ng kasiyahan mo. at sa mga bilang na sitwasyon, sila rin ang rason ng kalungkutan mo. Ayaw mong nasasaktan sila, dahil ayaw mong nadedehado ang ni isa man sa kanila, marahil na rin cguro dahil kaisa ka sa lahat ng nararamdaman nila. Mahirap mawalan ng kaibigan.

studies.
importante sa akin, dahil ayokong mapahiya sa mga magulang ko. ayokong ma-disapoint sila. ayokong mapunta lang sa wala ang lahat ng pinag-papaguran nila. importante kse may mga panahon na hndi lang ako ang nka-depende sa grades na tumutumbas sa mga gnagawa ko. importante sa kin, dahil dto nakasalalay ang maaring pag-unlad o pagbagsak ko. nakadepende ang magiging kabuhayan ko sa dalawang numero at tuldok na isasaad sa course card kada magtatapos ang isang term. i can't afford to fail another class. magastos. nakakahiya na. nakakaloko ka na. bka gusto mong ipatapon ka na sa kung saan man na ewan ko, basta siguradong hindi masaya.

love. romantic love.
Importante nga ba to? Ewan ko.. Ewan ko na naman. Minsan naisip ko, minsan, na lagi, na minsan.. na ewan! Naiisip ko, eh puro sakit lang naman ang napapala ko. pero syempre i-ccontradict ko na nman ang sarili ko at sasabihing, masaya rin naman. MASAYA AT MASARAP. Importante, dahil nakakaramdam ako ng ibang feeling maliban sa walang malisyang pakikipag-tawanan, kwentuhan, pag-aalalala, at pag-aalaga sa mga kaibigan. IBA. Kakaiba yung feeling. para kang high, NKA-TAKE. ADIK. pero dito, hndi ilegal. at hndi kailangan ng pera. 'Yun nga lang marami ka rin ma-iinvest. pero okay lang, in some ways importante pa rin.

health.
cguro paminsan. OO, importante. mahirap mamatay. hndi lang mahirap. AYOKO PA TALAGA. kaya nga li-low tlga ko sa pag-iisoy. nakakatakot, bka mabuhay ang mga cancer cells ko. marami pa kong gustong gawin, gustong maramdaman. gustong maranasan.

relasyon kay God.
importante, pero hndi ko napag-tutuunan ng pansin. importante dahil kung wala nito, cgurado, i will be nothing but a lost soul. Lost, dahil ano pang halaga kung wala ka rin namang kinikilalang Dyos. Ang yabang naman kung iisipin mong lahat ng bagay ay ayon lamang sa tao, at random na pag-swerve ng atoms sa mundo. Ang yabang nman kung hindi man lang matutong magpasalamat, at magsisi sa mga kalokohang intensyon at hndi intensyon na ginagawa mo. Cguro nga kaya ako Lost. Lost, dahil hindi ko makuhang bigyan ng panahon ang daan patungo sa tunay na kasiyahan.

me
to make myself better.
to reach my potentials.
basta gusto ko yun. importante din yun. Importante dahil i can only share what i have. and if i have nothing, de wla pla akong maitutulong sa iba.

***
haaay pagod na akong maging Lost.
ayoko na rin ng mga awkward moments.
ayoko nang mag-isip ng mga bagay na wala rin namang kahahantungan.
ayoko nang mag-break ng promises, sa mga taong mahal ko, at sa sarili ko.
gusto kong maibalik yung dati.

ayoko ng sayangin ang mga oras.
ang mga samahan.
ang mga importanteng bagay na noon pa ay dapat binigyan ko na ng halaga.

No comments: